Paano Magkaroon ng Passive Income

“If you do not find a way to make money while you sleep, you will work until you die.”

Warren Buffet

Sino nga ba si Warren Buffet? Isa sa mga American business magnate, CEO at chairman ng Berkshire Hathaway. Alam ko ang susunod mong tanong, anong ang Berkshire Hathaway, ito ay isang kompanya na may investment sa ibat ibang malalaking ibang pang kompanya.

Para mas madaling maintindihan, ang Berkshire Hathaway ay isa sa mga stock holders ng mga sumusunod na kompanya:

Apple Inc
Bank of America
American Express Company
Chevron
Coca-cola Company
Ilan lang iyan sa mga kompanya na may investment ang Berkshire Hathaway!

I’m sure, lagi mong naririnig ang kasabihan na ito na Warren Buffet, at kung hindi mo alam kung paano niya nasabi iyan ay marahil hindi mo rin alam kung anong klaseng business ba siya nabibilang. Kahit ako naman nuong una, ganyan din ako. Naririnig ko lang pero hindi ko alam kung paano nga ba niya nagagawa na kumita habang siya ay natutulog.

Pero dahil sigurado naman ako na kilala mo ang mga company na nakalista sa itaas, im sure may idea ka na kung ano ang ibig sabihin ng binanggit ko na siya ay stock holder ng mga sikat at malalaking negosyo na iyan.

Meron akong good news sa iyo….
Alam mo bang hindi naman kailangang maging katulad tayo n Warren Buffet para magkaron ng pagkakataon na kumita maski natutulog. Buksan mo lang ang mata mo sa napakaraming opportunity sa paligid. Sundan mo lang ang page ko na ito at marami pa akong isshare sa iyo na idea kung paano tayo magkakaron ng paraan para magkaron ng passive income or income maski tayo ay natutulog.

Similar Posts

Leave a Reply